ika nga ng iilan,
sumpa ang umibig sa isang manunulat.

sapagkat sa bawat
salitang hinuhulma nila,
may mga damdaming hindi
kailanman lubusang nauunawaan.

at sa bawat mensaheng ipinapabatid,
may mga pahiwatig na nakalulunod
unawain sa sobrang lalim.

marahil,
hindi lahat ay handang
sumisid sa pusong ang pag-ibig
ay higit pa sa kayang unawain.


tala ng may-akda:
— isinulat ni @achilleusdeirdre
— ika-27 ng setyembre, taong 2026
— bukas sa puna; malugod na tinatanggap.
— maliliit na titik, sadya para sa lagdang pagsusulat.

Posted in

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started