The Ruin Script

a sanctuary of verses—where silence shatters, wounds speak, and the condemned are silenced in flesh.

mga pinunit na liham

ito ay isang koleksyon ng mga liham na hindi kailanman naipadala, mga salitang itinago at piniling ilibing. bawat pahina’y kumakatawan sa mga luhang hindi pinahintulutang pumatak, at sa mga damdaming matagal nang nais iparating, ngunit kailanma’y hindi nakatagpo ng tamang salita.

ito ang mga liham ng hindi—
hindi nasambit, hindi naiparating.
at sa huli, piniling punitin.

isang marahan, ngunit marahas na pagtatapos.
isang wakas na hindi isinambit, kundi tahimik na tinapos.

ang mga pinunit na liham ay mga salitang isinulat hindi upang basahin, kundi upang tuluyang pakawalan. mga liham na nilikha hindi upang hintayin ang tugon, kundi upang wakasan ang mga tanong na matagal nang hindi nangangailangan ng sagot. mga liham na isinulat para sa sariling paglaya, hindi para sa kung sino man.

sapagkat hindi lahat ng liham, kailangang makarating.
at hindi lahat ng salita, kailangang masambit.


tala ng may-akda:
— isinulat ni @achilleusdeirdre
— ika-15 ng hulyo, taong 2025
— bukas sa puna; malugod na tinatanggap.
— maliliit na titik, sadya para sa lagdang pagsusulat.

Design a site like this with WordPress.com
Get started