The Ruin Script

a sanctuary of verses—where silence shatters, wounds speak, and the condemned are silenced in flesh.

Category: Mga Mapanuring Pahina

  • bumuhos ang ulan na sana’y masayang pinagtatampisawan ng mga bata, subalit sa kasakiman ng kontratista, bangungot ang bawat patak ng ulan sa bahang lumulunod sa sigaw ng mga mahihirap. ang pader na dapat depensa laban sa unos ay itinayo sa papel, ang haligi ng tulay na akala’y proteksyon ay gumuho bago pa man maramdaman ng…

  • “ang tunay na presyo ng edukasyon ay hindi nakatala sa bayarin,ito ay nakaukit sa bawat pagyuko at paghihirap ng magulang.” hapon na, kakauwi ko lang galing eskwela. hindi mapakali, iniipit ng kaba ang aking dibdib. bukas, kailangan ko ng pera para sa eskwela: para sa bayarin, para sa mga pangarap na parang laging nakatali sa…

  • “ang panggagahasa ay hindi kahihiyan ng babae,kundi sumpa ng lipunang bulag sa katarungan.” sa isang lungsod na nababalot ng ingay at usok, kung saan ang bawat liblib na kanto ay may kuwento, at ang bawat galaw ay may sentimo, may mga tinig na pinipilit lunurin ng kapangyarihan. ang lungsod na nagbabalatkayo ng progreso, may mga…

  • nakaupo ako sa bench ng plaza heneral santos. kakatapos lang ng klase, pagod sa mahabang lakad at sa iniisip na tila walang katapusan. ako ay isang simpleng mamamayang pilipino, tahimik na nagmamasid sa mundo sa sariling paraan. hindi ako taga-gobyerno, hindi rin tagapag-ayos ng lipunan—isang indibidwal lamang na nakaupo, nanonood, at nagtatala ng reyalidad. sa…

  • banayad ang hapon, ngunit mabigat ang hangin. mula sa siwang ng bintana, sumisingit ang liwanag na may kasamang alikabok—parang manipis na ulap na dahan-dahang bumabalot sa dibdib, pinipiga ang bawat paghinga. mabagal ang takbo ng oras, tila ba pag-usad ng buhay ng isang taong matagal nang hinubaran ng pangarap. sa labas, humahalo ang sigaw at…

  • humahalimuyak sa gabi ang kalawang mula sa rehas na kumulong sa katotohanan habang sa labas ay gumagapang ang mga kamay na parang ahas, nag-aabot ng sobre na amoy-lupa kapalit ng paglimot; kung ang susi ng kalayaan ay matagal nang nakabaon sa bulsa ng makapangyarihan, hanggang kailan tatanggapin ng bayan ang gintong kandadong pumipiring sa sariling…

Design a site like this with WordPress.com
Get started